(f) you

Red

Hello guys. I'm back. Medyo tinamad ako these past few days, nakalimutan ko tuloy na may diary pala ako dapat na mine-maintain dito kahit iilan lang ang may alam.

Oo, meron nang may alam nito kasi may pinagbigyan ako ng url at napagalaman kong binisita niya ang blog na ito. Hindi ko alam kung tamang desisyon ba iyon na ipinamigay ko ang susi sa diary ko, pero feeling ko naman, hindi na babalik yun, kung sa buhay ko nga, mukhang di na kakatok ulit, bumisita pa kaya dito?

Naisipan kong magsulat ulit kasi, wala lang, feeling ko kailangan ko kasi magsulat, isa pa, medyo matagal tagal akong hindi magsusulat para sa trabaho dahil magbabakasyon ako ng apat na araw at nagbakasyon na rin ang natatanging show na nagsusulat ako. Minsan, hinahanap-hanap rin pala ng utak mo yung mga bagay na kinakapaguran niya. For one, tuwing Sabado pa-Linggo, ang tanging araw na maari akong matulog sa gabi (dahil graveyard shift nga ako), gumigising pa rin nang kusa ang katawan ko tuwing alas-kwatro. Naghahanap ng script, naghahanap ng video, naghahanap ng line-up. Siguro, out of habit, ikaw ba naman ang for six days ay matapos ang trabaho tuwing 5:30am, ewan ko na lang kung sa seventh day ay magpahinga ka tulad ni Papa Lord noong ginagawa niya ang buong mundo. Pero malapit nang magbago ang mundo ko. Una, mag-aaral na ulit ako sa second sem, alam na ng mga ka-opisina ko, nag-resign na din ako sa isa kong show para magbigay daan sa isang major subject (at kailangan ko na ring magtipid dahil obviously, mababawasan ang sweldo ko), kaya itong drama drama na ito tungkol sa pagkamiss ko sa pagsusulat ay paniguradong pagtatawanan ko sa hinaharap dahil isang daang porsyento, siguradong madugong panulat ang gagawin ko sa mga subject ko. 'Wag niyo na ako tanungin kung bakit ko pinasok ito dahil ako man, hindi ko alam kung bakit. Kung inggit at boredom itong nararamdaman ko, aba, ang hirap at ang mahal naman! Hahaha. Pero tulad nga ng quote, I know that there is no harm in trying, kaya ito, sinusubukan ko na hanggat maaga, hanggat bata pa ako at hanggat may inggit at boredom pa ako sa katawan. Ayoko kasi ng what ifs, at ipinangako ko ito sa sarili ko two years back, na magdedesisyon ako bago ako mag-25. At akalain niyo yun, 2 months before ako mag-25 tsaka ko naisipan na ituloy na nga ang pangarap kong jackpot. Hahaha! Noon kasi, sobrang convinced na ako na hindi pwede, wala akong pera, wala akong panahon, pero tama silang lahat tuwing sinasabi nila ang pinaka kinaiinisan kong Filipino kowt: Kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan. Inis na inis ako dyan, dahil minsan naman kahit ano pang pilit natin, kahit wala pang kadahidahilan, hindi talaga pwede. Pero this time, swak siya. Dahil obviously, nagdadahilan lang pala ako nung sinabi ko na hindi pwede. Kaya pala, kakayanin. Kaya sana, kayanin ko din lahat ng subjects ko. Kung hindi, malalaman natin kung para sa akin talaga ito. O produkto lang talaga ng inggit at boredom dahil hindi ko naman pala talaga kaya.

Sa dinami-dami kong sinasabi, nawala na ako sa topic. Yung totoong dahilan kasi kung bakit ako nagsimulang mag-type dito sa Notepad ay itong buhok ko na kasalukuyang kulay pula. At dahil nga mag-aaral na ako sa susunod na semestre, siyempre, mahihiya-hiya naman ako at pakukulayan ko ng... siguro brown para kakaiba pa din. Iniisip ko tuloy, ano kaya ang magiging reaksyon ng mga tao sa paligid ko kapag nagpalit na ako ng kulay ng buhok, pakiramdam ko kasi, ang mga tao dito sa opisina, nasanay na na pula ang buhok ko, mas mabuti nang pula kesa yung kulay orange na napagtripan kong ikulay noong nakaraan, naisipan ko ding mag-violet, pero mas parang normal itong pula, siguro kasi nakikita naman nila kay Mystique kaya parang normal na din? Haha. O baka talagang tanggap na nila na loka-loka ako at minsan, strategic din namang pula ang buhok ko dahil madali akong makita sa crowd. Last week lang, binati ako ni Philip Salvador dahil sa buhok ko, actually, ngumiti na lang ako dahil hindi na bago sa akin ang mga pagbating ganun, kung hindi ako babatiin ng 'red hair', sasabihin naman na 'Yeng Constantino'. Hindi ko rin malaman sa babaeng 'yan, hindi ko naman siya ginagaya pero laging sabay kami nagpapalit ng kulay ng buhok at pareho pa. Noong pink ang buhok niya, pink din buhok 'ko. Hindi kaya nakakatawa, parang manggagaya ako, hindi naman lol. Hahaha. Ako pa talaga ang may ganang mainis 'no?

So, you'll ask, ano ba talaga itong ipinuputok ng butsi ko? Siguro, kasi, nasanay na ako na ganito ang buhok ko, kaya may separation anxiety ako. Siguro, kasi hindi ako ready na humarap sa salamin and see that my face is framed with brown locks rather than the usual red, o siguro, mamimiss ko yung naibibigay saking extra oomph ng buhok kong ito. Hindi lang confidence, pero extra attitude, pero dahil ilang beses na nagmamakaawa ang nanay ko na palitan ang buhok ko, at ayoko ring matawag nang matawag sa klase dahil naiirita ang professor sa nakakaalibadbad kong buhok, oo na po, pagkatapos ng linggong ito, kukulayan ko na ng 'normal' na kulay ang buhok ko. Para na rin hindi na humahalo ang kulay ng buhok ko sa paborito kong blazer na kulay pula.

0 comments:

Post a Comment